fbpx

Team GENUINE's Terms & Conditions

RULE #1: Bilang miyembro ng Team GENUINE, mahigpit na ipinagbabawal ang aktibong pagre-recruit o pagbebenta ng produkto ng ibang MLM, networking o affiliate marketing companies na may recruiting na kasama. Kahit pa gamitin ang mga termino na sila ay mga “enrolling students” o “affiliates” lamang, maliban na lang kung sila ay bahagi ng Serrano Academia affiliate program.

 Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.

 Walang sinumang miyembro ng Team GENUINE ang pinapayagang sumali sa ibang MLM/networking o affiliate marketing companies pagkatapos mag-enroll sa Team GENUINE Academy.

• Pwede kang mag-sponsor ng mga tao na aktibong nagpo-promote o nagbebenta ng produkto ng ibang networking company pero hindi sila magkakaroon ng access sa Team GENUINE Academy & System kundi sa ating Facebook group lamang. Kung gusto n'ya rin na magkaroon ng access sa Team GENUINE Academy & System, kailangan n'ya maging inactive ang anumang networking o affiliate marketing company na pino-promote nya.

 Kapag talagang gusto na umalis ng isang miyembro sa Team GENUINE at lumipat na ng ibang kumpanya, magpaalam lamang ng maayos sa ating Team GENUINE Corp Facebook page. Hindi natin sila pipigilan.

RULE #2: Ang lahat ng mga materyales ng Team GENUINE (e.g. training videos, marketing videos, eBooks, scripts, etc.) ay ekslusibo at para lamang sa mga miyembro ng Team GENUINE. 

Anumang ilegal na pagkopya, pagpapakalat o distribusyon ng mga materyales na ito ay magreresulta sa agarang pagtanggal sa Team GENUINE account ng sinumang miyembro na mapapatunayang lumabag. Maaari rin silang sampahan ng kaso ng Team GENUINE Academy na paglabag sa copyright law.


RULE #3: Pwedeng mag screenshot ng mga lessons sa loob ng Team GENUINE Academy. Ang bawal lang ay ang pag post nito sa social media. Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.


RULE #4: Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapahiram ng Team GENUINE account sa kapwa miyembro. Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.

RULE #5: Kalayaan ng sinumang miyembro ng Team GENUINE na hindi sundin o sundan ang mga turo o training sa loob ng Team GENUINE Academy, kami na mga nangangasiwa ng Team GENUINE ay walang pananagutan sa anumang pinsala, pagkalugi, pagkatalo o masamang gawain na ginawa ng sumuway na miyembro.

Awtomatiko ring mawawalan ng bisa ang 6-months implementation guarantee kapag gumawa ka ng anumang diskarte na unethical.


RULE #6: Ang 6 months implementation guarantee ay nagsisimula sa araw kung kailan ka naging opisyal na estudyante ng Team GENUINE. Kailangan mong aralin at gawin ang lahat ng mga matututunan mo sa Team GENUINE Academy ng tuloy tuloy sa loob ng anim(6) na buwan.

 Kapag meron kang nilaktawan na kahit na isang lesson, mababalewala na ang implementation guarantee.

 Kapag bigla ka nalang tumigil sa negosyo ng tatlong(3) araw na sunud-sunod sa loob ng anim na buwan na wala man lang paalam sa iyong sponsor o sa mga lider at wala man lang valid na paliwanag kung bakit, mababalewala na ang implementation guarantee.

• Kapag umabsent ka sa OGC kahit na isang beses lamang, mababalewala na ang implementation guarantee.

Maliban nalang kung may emergency. Ang mga emergency na tinatanggap ng Team GENUINE Academy ay:

  1. Health concerns tulad ng pagkakaroon ng sakit o nasugod sa ospital ang sarili.
  2. Pagkasawi o pagka-sugod sa ospital ng kamag-anak o kapamilya (hindi kasama ang mga kaibigan).
  3. Mga sakuna tulad ng bagyo, lindol, giyera o pagputok ng bulkan. 

 Kung wala sa alinman sa tatlong ito na nabanggit, ibig sabihin ay hindi namin ito tatanggapin na emergency. Ang kawalang ng data o signal ng internet ay HINDI tatanggapin na emergency.

 Kapag may hindi ka sinunod na kahit isang lesson lamang, mababalewala na ang implementation guarantee.


RULE #7: Sinumang miyembro ng Team GENUINE ay dapat gumalang at rumespeto sa mga kapwa n'ya miyembro. Mahigpit na ipinagbabawal ang mang-insulto, mambastos, o hindi igalang ang kapwa nya miyembro sa kahit anong pamamaraan. Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.


RULE #8: Walang kahit na sinuman ang pinahihintulutan na gumamit ng Team GENUINE logo sa mga T-shirt, mugs, pins, caps, jackets o kung anu pamang pwede nitong pagtatakan. Bawal rin gamitin ang pangalan ng Team GENUINE para sa mga FB pages or kahit na anong social media accounts dahil iisa lang ang official page ng Team GENUINE Academy.

 Kung gusto mong gamitin ang pangalan ng Team GENUINE Academy maaari mo itong idugtong sa iyong pangalan. Halimbawa: Bogart Dimagiba by Team GENUINE

 Ang Team GENUINE ay tatak na pagma-may ari lamang ng Team GENUINE. Ang Team GENUINE lang ang may karapatang gumawa ng mga nabanggit na produkto. Ang sinumang lalabag ay maaaring mate-terminate sa grupo ng Team GENUINE at maaari pang kasuhan ng paglabag sa batas ng karapatang-ari (trademark).


RULE #9: Pag dating sa pag claim ng refund mula sa implementation guarantee, kailangan ay nagawa mo ang lahat ng kundisyon ng Team GENUINE.


Una, ginawa mo ng tuloy-tuloy at araw-araw ang negosyo sa loob ng anim (6) na buwan.


Ikalawaginawa mo ang lahat ng mga gawain na pinapagawa sa loob ng Team GENUINE academy.


Ikatlowala kang kahit na isang absent sa mga OGC. Maliban nalang kung may emergency. Ang mga emergency na tinatanggap ng Team GENUINE Academy ay:

  1. Health concerns tulad ng pagkakaroon ng sakit o nasugod sa ospital ang sarili.
  2. Pagkasawi o pagka-sugod sa ospital ng kamag-anak o kapamilya (hindi kasama ang mga kaibigan).
  3. Mga sakuna tulad ng bagyo, lindol, giyera o pagputok ng bulkan. 

 Kung wala sa alinman sa tatlong ito na nabanggit, ibig sabihin ay hindi namin ito tatanggapin na emergency. Ang kawalang ng data o signal ng internet ay HINDI tatanggapin na emergency.

Ikaapat, wala kang nilabag na kahit na anong rules ng Team GENUINE Academy sa loob ng anim (6) na buwan.


Kapag ginawa mo ang apat na bagay na yan, ipadala mo lang samin ang mga patunay at kapag ito ay na-aprubahan na, ibabalik namin agad ang iyong enrollment fee plus babayaran ka namin ng Php15,000.


Kapag napatunayan namin na nagsinungaling ka sa mga patunay na ipinadala mo samin, agarang mawawala ng bisa ang implementation guarantee at maaari ka ring ma-terminate sa Team GENUINE Academy.


Ipapaalam rin namin sa'yo na may mga tools kami na ginagamit para malaman kung totoo ba talagang sinunod mo ang apat na bagay na ito kaya wag mo na subukan magsinungaling para lang mabawi ang enrollment fee mo dahil hinding-hindi mo kami maloloko. :)


RULE #10: Pagdating sa referrals, ang huling referrer o huling nakapag send ng checkout link ang magkakaroon ng karapatan sa bagong miyembro na nag enroll. Kaya dapat kapag nag close ka ng deal ay mapa-fill up mo agad s'ya sa iyong checkout link dahil itinuro ito sa loob ng Team GENUINE Academy. Kahit ikaw ang nag-close pero sa ibang tao nakapangalan ang huling referral, dun mapupunta ang referral. 


Gayunpaman, kung ang huling referrer ay hindi na aktibo sa nakaraang pitong (7) na araw, ang sumunod na active referrer ang mabibigyan ng karapatan sa bagong miyembro. Hindi puwedeng mag-agawan ng referrals.


SCENARIO #1: May bagong nag-enroll na si Bogart. Na-sponsor sya ni Berting sa online (uulitin ko, online hindi offline). Pero pag enroll ni Bogart, sa kung anuman ang kadahilanan, nakapangalan yung huling referrer kay Tiburcio. Pero alam ni Bogart na si Berting ang kausap nya at nakapag close deal sa kanya at hindi naman si Tiburcio. Magkahiwalay ng linya si Berting at Tiburcio sa GFoxx dashboard. 

Kung si Bogart at Berting ay magkakilala talaga or warm market, automatically si Bogart na ang referrer kahit si Tiburcio ang nakapangalan. Basta warm market o kamag-anak at/o kapamilya mo ang na-sponsor mo, automatic ikaw na ang referrer (hindi kasama ang mga kaibigan o kakilala).

SCENARIO #2:
Na-sponsor ni Berting si Bogart online man o offline at lumabas rin sa system ng Team GENUINE na si Berting ang huling referrer. Si Diego ay student rin ng Team GENUINE at magkakilala sila ni Bogart. Kay Berting pa rin mapupunta ang referral dahil kasalanan ni Diego na hindi n'ya ipinakita ang opportunity kay Bogart. Ibig sabihin hindi inapply ni Diego ang lahat ng natutunan n'ya sa Team GENUINE Academy.


Kung gusto ni Bogart na maging sponsor si Diego, hindi rin pwede dahil magiging unfair kay Berting dahil sya ang nag effort. Maliban nalang kung kamag-anak at/o kapamilya ni Diego si Bogart. Ibibigay nalang ni Diego kay Berting ang DPS commission sa GFoxx (kung BP/LP/PP) para maging fair kay Berting na nag effort.


Ang rason kung bakit exception ang kamag-anak at/o kapamilya ay dahil ayaw natin magkaagawan sila ng market kasi malamang sa malamang sila-sila ang magkakakilala. E.g. Pwedeng mag pinsan si Diego at si Bogart. Mahirap kung mag-aagawan sila ng warm market nila o yung mga kamag-anak at kapamilya rin nila gayung magkamag-anak rin silang dalawa.

SCENARIO #3: Na-sponsor ni Berting si Bogart online(uulitin ko, online hindi offline) dahil magkaibigan sila pero ang huling referrer ay si Tiburcio. Si Tiburcio ay sponsor o referrer o nasa taas ni Berting sa genealogy sa GFoxx.


Spill over nalang ni Tiburcio si Bogart kay Berting dahil magbe-benefit pa rin naman si Tiburcio dahil nasa ilalim nya si Berting. Kay Berting  na ipapangalan yung sponsor sa loob ng GFoxx dashboard. Ganito mismo ang ginagawa ni coach Karl.

SCENARIO #4: Na-close deal na ni Bogart si Berting at nai-fill up na rin ni Bogart sa kanyang checkout link si Berting. Tapos biglang nag message sa page ni Tiburcio si Berting sa di malaman na dahilan (madalas ito ay dahil akala ng prospect na iisa lang ang kausap nya) tapos nai-fill up rin ni Tiburcio si Berting sa checkout link nya.


Dapat mapupunta ang referral kay Tiburcio dahil sya pa rin ang huling nakapag fill up sa checkout link pero para maging patas kay Bogart dahil hindi naman nya pinabayaan ang prospect at hindi naman inactive si Bogart sa nakalipas na pitong (7) araw, kung nalaman agad ito ni Bogart, mag-usap nalang sila ni Tiburcio para mailipat sa kanya ang referral. Si Bogart pa rin ang may karapatan sa referral.


Pero kapag na-encode na ito sa Team GENUINE Academy at kay Tiburcio nakapangalan, ibigay nalang ni Tiburcio kay Bogart kahit yung DPS commission sa GFoxx.


Para maiwasan ang ganitong scenario, ganito lang ang gawin mo: Kapag bigla nalang may nag send ng proof of payment sayo na hindi mo kilala at wala ka naman conversation sa kanya, palagi mo itong itatanong sa kanya: "Sino yung unang team GENUINE student na nakausap mo bago ka nag message sakin?"


Kapag sinabi nyang wala, sayo na yung referral na yun. Kapag sinabi nyang meron, i-tee up mo yung kausap nya na team GENUINE student at sabihin mo na mag message ulit dun para magabayan sya.


SCENARIO #5: Na-sponsor ni Berting si Bogart offline (uulitin ko, offline hindi online) at nagbayad agad si Bogart habang kasama sya ni Berting. Kahit hindi na i-fill up ni Berting si Bogart sa checkout kanyang checkout link, automatic si Berting na ang sponsor ni Bogart.


Ang kailangan lang nilang gawin ay mag-selfie silang dalawa na magkasama at i-send ito sa Team GENUINE Tech Support page bilang patunay na offline nag-enroll si Bogart. 


RULE #11: Walang kahit na sinuman na estudyante ng Team GENUINE Academy ang pinahihintulutan na makipag sosyo o makipag partner sa ibang members ng GFoxx International na hindi naman miyembro ng Team GENUINE para sa kahit na anumang uri ng negosyo. Halimbawa, makikipag partner si Bogart (miyembro ng Team GENUINE) kay Bartolome (miyembro ng GFoxx pero hindi miyembro ng Team GENUINE) para sa isang negosyo na gusto nilang itayo.

Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.


RULE #12: Walang kahit na sinuman ang pinahihintulutan na mag-imbita o mag sponsor sa Team GENUINE Academy ng isang tao na miyembro na ng GFoxx dahil unethical ito. Kapag may member ng GFoxx na humihingi ng tulong sa'tin, sabihin lang na'tin na lumapit sila sa kanilang mga sponsors o team leaders.

RULE #13: Hindi pwedeng lumipat ng ibang sub-team ang isang Team GENUINE Student. Ang sinuman mag-alok sa isang Team GENUINE Student na lumipat sa team n'ya ay masususpinde ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kaniyang account sa Team GENUINE Academy.


RULE #14: Walang kahit na sinuman ang pinahihintulutan na mag-alok o mang-agaw ng customer o prospects ng ibang students.

Kapag nalaman mong customer sya ng ibang team GENUINE student, sabihin mo agad sa kanya na makipag coordinate agad dun sa binilhan nya. Kung sakaling hindi na nya maaalala kung sino yung binilhan nya dati, pwede mo na s'yang mabentahan ng produkto.

• Bawal kumuha ng prospects sa mga nagko-comment sa mga videos ni coach Karl o videos o posts ng ibang Team GENUINE students at ng Team GENUINE Official page.

 Bawal kumuha ng prospects sa mga members ng Team GENUINE Community na may mutual friend na team GENUINE student dahil ibig sabihin sa kanya ang prospect na yun.

Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.


RULE #15: Walang kahit na sino, maliban kay coach Karl Serrano, ang pwedeng magdagdag o bumawas sa halaga ng enrollment fee sa Team GENUINE Academy na nagkakahalaga ng Php4,999. Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.


RULE #16: Walang kahit na sino, maliban kay coach Karl Serrano, Daniel Santander, Dennis Duhapa at Maria Fruelda, ang pwedeng tumanggap ng bayad sa enrollment fee, additional package o package upgrade. Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.


RULE #17: Walang kahit na sinuman ang pwedeng gumamit ng salitang "investment" o "investor" para makapag sponsor ng prospects sa Team GENUINE Academy dahil hindi tayo investment company kundi online training company. Wala ring kahit na sinuman ang pwedeng mangako ng eksaktong halaga ng kikitain at eksaktong panahon kung kelan kikita ang isang prospect kapag nag-enroll sa Team GENUINE Academy.

Halimbawa ng unethical at pinagbabawal na pangako: "Kapag nag join ka sa Team GENUINE kikita ka ng 100k within 3 months"

Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.


RULE #18: Bawal bumili ng packages directly sa kahit na anong GFoxx office. Ibig sabihin bawal bumili ng Starter Package, Lifestyle Package or Premium Package directly sa GFoxx dahil kapag ginawa mo ito, wala kang makukuhang benefits ng Team GENUINE at possible rin na matanggalan ka ng account sa Team GENUINE Academy. 


Ang sinumang miyembro na mapapatunayan na lumalabag ay agarang masu-suspend ang account sa Team GENUINE Academy sa loob ng 30 araw (1 buwan). Sa ikalawang paglabag, mate-terminate na ang kanyang account sa Team GENUINE Academy.


Sundin ang tamang procedure sa pagbili ng packages na mababasa mo sa pamamagitan ng pindot dito. Pwede mo lang i-claim ang package mo sa nearest GFoxx office sayo basta sabihin mo lang sa Team GENUINE Tech Support na dun mo i-claim ang package mo. Ang pwede mo lang bilhin directly sa GFoxx office ay mga individual products.


Ang Team GENUINE ay may karapatan na baguhin ang mga tuntunin at kondisyong ito anumang oras at ang lahat ng miyembro nito ay inaasahang sumunod.


(Last Update: 12-30-22)